Sunday, November 7, 2010

My Desktop Revived!

I am glad that my desktop is now operating. I've got an Asrock motherboard and a 9800GT Palit video card. It was hard finding that 512mb 256 9800GT video card. I've got no choice but to purchase the 1GB 256bit 9800GT. When I got home, I found out that it won't work on my old MSI MS-7253 motherboard due to compatibility issue. I needed to purchase a new motherboard that can support my video card and also my future upgrades.

I can play Philippine Special Force again with my desktop. Thanks to my tatay and nanay for funding my upgrades. My next target is to get dual channel DDR3 RAMs since I've got an old DDR2 dual channel RAMs.

Or maybe a new processor that would took place over my old AMD Sempron.

Monday, November 1, 2010

Video Card Won't Work

Hassle! Ayaw gumana ng Palit GeForce 9800GT 1GB 256bit Green Edition na binili ko sa desktop ko. I tried asking the guys over TPC and they said that series 9800GT has a known issue with VIA Technology chipset. Its either I change my VC or change my motherboard for my VC to work. I planned bringing my rig over PCNetmiles where I bought the VC. Alam kong matutulungan nila akong mapagana muli ang desktop ko. Sana nga.

Saturday, October 30, 2010

One Day

Sobrang nakakapagod ang one day na paggala sa Manila para mamili sa Megamall although kakaunti lang naman ang pinamili eh still ang hirap pa din mag-ikot sa dami ng mga items, hindi mo alam ang bibilhin mo. Wala pa din ang kailangan kong video card for my desktop. Hopefully, today makabili ako since nakakita ako ng ibang seller sa internet. TIPIDPC.com, thank you guys for helping me in searching for my ideal PC components. I'll be home tonight in Nasugbu, Batangas. Namiss ko na agad ang motor ko. See yah!

Friday, October 29, 2010

Till the End

We fought last night. We argued about things we hate on each other. We debated things that we should get done but nothing is getting its way all down. We don't want to lose each other but how long can we hold on? We've been on these situations before and we're here right now. I know we could pass the test. Sooner or later, we will get tired. We will demand for separation and we will be forgetting each other. Its a reality that we don't want to see in our lives. We should hold on until we can, until the end.

Thursday, October 28, 2010

I Was Always Wrong

I was always wrong. Bakit nga ba mas madalas natin pinipili ang landas na mali kaysa sa tama? Ano ba ang magandang naidudulot nito sa atin? Bakit hindi natin magawang pahalagahan ang buhay tulad ng ibang tao diyan?

Mas madalas ako gumawa ng mali. Para sa sarili ko, para sa paligid ko at para sa mga taong mahal na mahal ko. Minsan nga hindi ko na alam na malapit na pala silang mawala sa piling ko. May paraan ba para matauhan ako ora mismo sa mga kalokohang ginagawa ko sa buhay ko?

Sana maiparating sa akingn Diyos ang mensahe na dapat kong mabatid. Na dapat na akong magbago at magsimulang iconsider ang bawat bagay sa paligid ko dahil hindi ako nag-iisa sa mundo. May mga kasama din ako. Mga tao na nagtutong magmahal at magpahalaga sa akin subalit hindi ko magawang pahalagahan sila gaya ng ginagawa nila sa akin.

Bago mahuli ang lahat. Magbago ka na.

Wednesday, October 27, 2010

Individual Differences

Ano nga ba ang posibleng mangyari sa dalawang taong may individual differences? Matiis pa kaya nila ang bawat isa? Magawa kaya nilang matanggap kung anong mayroon sa bawat isa? O magbabago na lamang at magpapakumbaba para hindi na masaktan pa. Madaming tanong tungkol sa individual differences. Karamihan dito ay umiiral sa mga relasyon ng dalawang tao.

Madalas ay gusto ng isa na mapasailalim niya ang isa pa. Gawin ang kung ano ang ginagawa niya, paniwalaan ang lahat ng pananampalataya niya at magbago para sa kanya. Madalas mahirap. Wala naman nagsasabing madali eh. Kaya mo nga bang i-give up kung anong mayroon ka para magbago sa taong minamahal mo?

Tuesday, October 26, 2010

Sino nga ba?

Sino nga ba and dapat sishin sa mga nangyayaring bagay sa takbo ng aming buhay ngayon? Is it us to blame for these miseries na dinaranas namin ngayon? Mahirap sa pakiramdam yun mag-expect ka ng bagay na hindi mo naman pala siguradong darating. Ilan beses na ako napunta sa ganitong sitwasyon at aaminin ko, ito ang pinaka-komplikado sa lahat dahil dito nakasalalay ang aking buhay.

Hindi ko masasabi ang mga susunod na mangyayari pero tiyak ako sa gusto ko. Gusto ko ng matapos ang lahat. Either matuloy or mawala na lang.

Talo talo na lamang tayo sa bandang huli. Ito ang pinakamadaling soluyon na nakikita ko sa buhay ko.