I was always wrong. Bakit nga ba mas madalas natin pinipili ang landas na mali kaysa sa tama? Ano ba ang magandang naidudulot nito sa atin? Bakit hindi natin magawang pahalagahan ang buhay tulad ng ibang tao diyan?
Mas madalas ako gumawa ng mali. Para sa sarili ko, para sa paligid ko at para sa mga taong mahal na mahal ko. Minsan nga hindi ko na alam na malapit na pala silang mawala sa piling ko. May paraan ba para matauhan ako ora mismo sa mga kalokohang ginagawa ko sa buhay ko?
Sana maiparating sa akingn Diyos ang mensahe na dapat kong mabatid. Na dapat na akong magbago at magsimulang iconsider ang bawat bagay sa paligid ko dahil hindi ako nag-iisa sa mundo. May mga kasama din ako. Mga tao na nagtutong magmahal at magpahalaga sa akin subalit hindi ko magawang pahalagahan sila gaya ng ginagawa nila sa akin.
Bago mahuli ang lahat. Magbago ka na.
No comments:
Post a Comment